-- Advertisements --

Kinumpirma ng ng Malacañang na nakatakdang magsagawa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang working visit sa New York, United States of America mula Marso 8 hanggang 11, 2026.

Dadalo si Pangulong Marcos sa pagbubukas ng ika-70 sesyon ng Commission on the Status of Women (CSW), sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing.

Nakatakda ring magbigay ng mensahe si Pangulong Marcos sa gaganaping special session ng United Nations General Assembly (UNGA).

Ayon pa kay Castro, makikipagpulong rin ang Pangulo sa iba pang opisyal ng United Nations sa panahon ng kanyang pagbisita doon.

Ang CSW ay isang UN commission na nagsisilbing pangunahing pandaigdigang intergovernmental body na nakatuon sa pagsusulong ng gender equality, karapatan ng kababaihan, at empowerment o pagpapalakas sa sektor  ng kababaihan.

Hinddi naman sinabi ng Palasyo kung magkakaroon ng pulong ang Pangulo kay US President Donald Trump.