-- Advertisements --

Nanguna si Paris Hilton kasama sina New York representative Alexandria Ocasio-Cortez at ilang mga babaeng mambabatas sa US para isulong ang Disrupt Explicit Forged Images and Non-Consensual Edits (DEFIANCE) Act, isang panukalang batas na nagbabawal sa biktima ng deepfakes at Artificial Intelligence generated na mga imahe.

Ayon sa aktres na sariling karanasan niya ang nagtataguyod kaya isinusulong ang nasabing batas.
Noong 19-anyos kasi nito ay ikinalat ng walang paalam ang kaniyang sex-scandal.

Hinikayat siya ng kaniyang dating nobyong si Rick Salomon na kumuha ng video ng kanilang pagtatalik subalit ito ay kumalat online.

Mula noon ay mayroong mahigit 100,000 mga imahe na mula sa AI images ang kumalat online.

Umaasa ito na kapag maipasa na ang batas ay mahihigpitan na ang pagpapakalat ng mga deepfakes videos at AI generated na mga imahe.