-- Advertisements --

Mananawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kapayapaan sa Middle East sa kanyang pagbisita sa United Nations sa darating na March 9-10,2026. 

Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesperson Assistant Secretary Angelica Escalona, mahalagang pagkakataon ang pagdalo ng Pangulo sa UN upang manawagan ng restraint sa mga bansang sangkot sa labanan ng sa gayon matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan, lalo na ng mga Pilipino sa rehiyon.

Sinabi ni Escalona, ang UN ang pinakaangkop na lugar upang ipahayag ng Pangulo ang kaniyang panawagan.

Nakatakda ring makipagpulong si Pangulong Marcos kay UN Secretary-General Antonio Guterres upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon sa Middle East at muling ipahayag ang commitment ng Pilipinas sa United Nations at multilateralism.

Target din ni PBBM na makakuha ng dagdag na suporta para sa  pagtakbo ng pilipinas sa non permanent seat sa united nations security council  para sa 2027 hanggang 2028.

Binigyang-diin pa ni Escalona, mahalaga ring magkaroon ng puwesto ang Pilipinas sa UN Security Council upang magkaroon ng mas malakas na boses ang bansa sa mga usaping may kinalaman sa global safety at security, kabilang ang mga isyung nakaaapekto sa soberanya, maritime security, pandaigdigang ekonomiya, at kaligtasan ng overseas Filipino workers.