-- Advertisements --

Hinamon ng Malacañang ang kampo ni Vice President Sara Duterte na magpakita ng record na wala silang koneksyon sa China.

Ang nasabing hamon ay nagmula sa alegasyon ni dating Senator Antonio Trillanes IV na ang CALLE88 Food Corp, na kumpanya na iniuugnay kay Mans, Carpio ay nakatanggap ito ng P319 milyon mula sa gobyerno ng China.

Maging ang Tapang at Malasakit Alliance for Philippines Inc ang foundation kung saan incorporator si Duterte ay nakatanggap ng P150-M na donasyon mula sa Chinese Embassy ng Pilipinas.

Itinanggi naman ng kampo ni Duterte sa pamamagitan ng kaniyang tagapagsalita na si Atty. Paolo Panelo.

Subalit sinabi ni Palace press officer Claire Castro na mas mahalaga na magpresenta ang kampo ni Duterte ng ebedinsiya na nagpapatunay na wala silang kinalaman sa nasabing alegasyon ni Trillanes.