Nakatakdang isa pormal na ng prosecution team sa Senate impeachment court ang plano nilang pagbasura sa ilang kaso laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Batangas Rep. Gerville Luistro, na responsibilidad nila na sundin ang mga ebidensiya at dalihn ang focuse, well-supported na kaso sa konklusyon.
Bawat responsibilidad ay siyang gumagabay sa bawat nilang desisyon.
Noong Setyembre kasi ay sinabi ng prosecution na kanilang pinag-aaralan kung itutuloy ba ang alegasyon na sinuhulan umano ng Bise President ang mga opisyal ng Department of Education (DEPED) para ma-bypass ang panuntunan sa procurement rules noong Kalihim pa ng DepEd ang Bise Presidente.
Magugunitang inanunsiyo ni Manila Representative Joel Chua na hindi na itutuloy ng prosecutors ang kasong bribery laban kay Vice President Sara Duterte.
















