Hindi isinasantabi ng kampo ni Senador Loren Legarda ang posibilidad na muli siyang bumalik sa bansa at sumama sa majority bloc ng Senado.
Ayon sa kanyang spokesperson na si Tony la Viña, normal umano sa senado ang pagbabago ng mga alyansa, lalo’t apat na senate president na ang nagpalit sa nakalipas na apat na taon.
Sinabi rin ni La viña na hindi nakapagtataka kung nakikipag-ugnayan si Legarda sa iba pang Senador, dahil maayos umano ang kanyang relasyon sa mga kasamahan sa Senado.
Samantala, sinabi ng spokesperson na hindi niya nakikitang direktang kaugnay ng impeachment proceedings ang pag-alis ni Legarda sa senado.
Sa halip, itinuro niya ang political fallout mula sa mga alegasyon ng korapsyon na ibinato ng anak nitong si Batangas Representative Leandro Leviste.
Naka-medical leave si Legarda mula Agosto 3 at ang pinakahuling extension ng kanyang leave ay hanggang Oktubre 9.
Kasabay naman ng kanyang matagal na pagkawala ang imbestigasyon ng ombudsman sa umano’y multibillion-peso solar energy anomaly na kinasasangkutan niya at ng kanyang anak na si Rep Leandro Leviste.
















