-- Advertisements --
Nanawagan sa gobyerno ang grupo ng mga nasa industriya ng electronic cigarette na dapat paigtingin ang kampanya laban sa mga pagpasok ng mga iligal na kahalintulad nilang produkto.
Sinabi ni Joey Dulay, pangulo Philippine E-Cigarette Industry Association (PECIA), na tulad ng mga pagpasok ng mga iligal na tobacco products sa bansa ay sumasabay din ang laganap na pagpasok ng hindi lisensyadong kahalintulad nilan mga produkto.
Nagkaroon na rin sila ng pulong sa ibang mga ahensiya ukol sa nasabing usapin.
Magugunitang ilang insidente na rin ang naitalang pagkakakumpiska ng mga otoridad nasabing mga tobacco products na ipinupuslit galing sa ibang bansa.
















