-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Trade and Industry, pinangungunahan ang ASEAN Economic Community Council ngayong 2026 ASEAN Summits ang mga napagtagumpayan nito. 

Sa naganap na pulong balitaan, partikular na binanggit ni DTI Sec. Ma. Cristina Roque ang natupad na kasunduang DEFA o ang ASEAN Digital Economy Framework Agreement. 

Ayon sa kalihim, ito ang kauna-unahang ‘region wide economy agreement’ sa mundo na maituturing makasaysayan nang tuluyan maisakatuparan buhat lagdaan ng mga kasaping bansa. 

Makatutulong aniya ang naturang kasunduan para sa kinabukasan ng ‘digital economy’ lalo na ng mga miyembrong bansa ng ASEAN. 

Ipinagmalaki pa ng kalihim na maliban sa benepisyo sa rehiyon, may positibong epekto din umano ito sa pandaigdigang ‘digital economy’.

Sa pamamagitan kasi ng bagong kasunduan, inaasahang makabubuo ito mas ‘integrated’ o pinagsamang ‘digital ekonomiya’ na makapaghahatid ng benepisyo sa higit 600-katao sa tinatayang 1-trillion US Dollars na ‘economic value’ at posibleng madoble sa taon 2030. 

Dagdag pa niya’y makatutulong din ang pagkakaroon ng ‘digital economy framework’ para mapadali ang kalakalan ng mga negosyo sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Episyenteng ‘digital transactions’, proteksyon ng mga impormasyon, pagpapaigting ng cyber-security kontra cyber threats, online scams at digital risks, kasama pagpapalago ng ‘artificial intelligence’ at iba pa.