Binuo ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI), kasama ang BOI, PPPI, FDA, at PhilHealth, ang isang high-level task force upang palakasin ang seguridad sa suplay at presyo ng mga gamot sa bansa.
Ipinatutupad ang hakbanging ito upang suportahan ang mga programang PhilHealth YAKAP at GAMOT para direkta nitong mapababa ang presyo ng mga gamot.
Kasama rin sa mga pangunahing layunin ang pagpapabilis ng access sa mga life-saving treatments at ang pagpapalakas sa lokal na produksyon ng mga prayoridad na gamot.
Palalakasin din ang sistema ng supply chain upang maiwasan ang kakulangan at matiyak ang sapat na imbentaryo sa mga pampublikong pasilidad.
Ang kolaborasyong ito ay alinsunod sa Universal Health Care (UHC) at Unified National Agenda (UNA) for Health para sa mabilis, patas, at mapagkakatiwalaang serbisyong pangkalusugan ng bawat Pilipino.














