-- Advertisements --

Inaalmahan ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP) ang anunisyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang mararanasang anumang pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin gaya ng sardinas.

Ayon kay CSAP president Ben Sy, na dapat ikonsidera ng gobyerno ang pagtaas ng gastos sa paggawa ganun din ang mataas na presyo ng mga raw materials gaya ng mga isda.

Bukod pa dito ang ilang mga imported na mga sangkap gaya ng mga sauce at lata kasama na rin ang mataas na singil sa kuryente, langis ganun din pagtaas ng pasahod sa kanilang mga empleyado.

Mas pabor sa kanila ngayon ang presyo ng mga produkto na sakop ng suggested retail price scheme at hindi ang pagdikta ng presyo na mas mababa pa sa production cost.

Magugunitang kasama na binabantayan ng DTI ang nasa 190 na mga basic at prime products kabilang ang mga kilalang pangalan na sardinas na mayroong suggested retail price.