-- Advertisements --
Inaasahan ang fuel adjustment sa ilang produktong petrolyo sa unang linggo ng Nobyembre.
Ayon sa pamunuan ng Jetti Petroleum, mula sa dating P2.90 ay papalo sa P3.20-liter ang presyo ng gasolina.
Samantala maaari namang bumaba nang kaunti ang presyo ng diesel, nasa 40 hanggang 60 sentimos ang bawas sa kada litro.
Sinundan ng diesel at gasolina ang paggalaw ng crude oil, ito ay sa likod ng pinangangambahang energy supply disruptions sa gitnang silangan dahil sa nagpapatuloy pa rin na kaguluhan.
Batay ang paggalaw ng presyo sa kalakalan sa Mean of Platts sa Singapore maging sa palitan ng dolyar at piso.
Ginagamit na basehan ang Matts of Platts upangan batayan sa paglalagay ng presyo sa mga prosuktong petrolyo sa Timong-Silangang Asya.














