Asahan ang pagtaas ng pamasahe sa mga pampasaherong eroplano pagdating ng buwan ng Setyembre.
Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) na magtataas sila ng fuel surcharges dahil na rin sa patuloy ang pagtaas ng presyo ng jet fuel sa bansa.
Ang fuel surcharges ay optional fee na sinisingil ng mga airlines para sila ay makabawi sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Hiwalay ito mula sa base fare na sinisingil.
Simula sa Setyembre 1-15 ay nakataas sa Level 13 ang fuel surcharges mula sa dating Level 12 noong Agosto 16-31.
Sa ilalim ng fuel surcharges ang mayroong babayaran ang domestic flights ng mula P423 hanggang P1,237 depende na rin sa layo.
Habang sa international flights ay may singil na mula P1,396.74 hanggang P10,385.42.
Binago ng CAB ang pag-implement ng kanilang fuel surcharge kung saan mula sa dating buwanan ay ginagawa na nila ito ngayong kada 15-araw.
















