Inilatag ng Department of Health (DOH) at PhilHealth ang mga bagong hakbang upang mas mapalawak ang mga serbisyo para sa HIV sa bansa.
Kabilang sa mga pangunahing hakbang na ito ang pagsama ng HIV testing sa programang YAKAP at pagsisigurong may sapat na suplay ng mga gamot.
Palalakasin din ang HIV awareness sa mga paaralan, opisina, at komunidad upang mas maging bukas ang kaalaman ng publiko.
Kasama rin sa plano ang pagpapalakas ng treatment monitoring, mas malawak na access sa Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP), at pagpapabuti ng serbisyo sa mga primary care facilities at social hygiene clinics.
Ayon kay Health Secretary Edwin Mercado, kayang makontrol ang HIV sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag-inom ng gamot.
Dahil dito, itinaas na sa ₱58,500 mula sa dating ₱30,000 ang taunang coverage ng PhilHealth Outpatient HIV/AIDS Treatment (OHAT) package bilang bahagi ng Unified National Agenda (UNA) for Health.














