-- Advertisements --

Magsisimula na ang tatlong buwang tigil-pangingisda o closed fishing season sa Zamboanga Peninsula mula Nobyembre 15 hanggang Pebrero 15 ng susunod na taon.

Hindi muna papayagan ang paggamit ng mga komersyal na lambat gaya ng purse seine, ringnet, bagnet, at scoop net sa paghuli ng mga sardinas.

Nakapaloob sa patakarang ito ang protektadong lugar ng East Sulu Sea, Basilan Strait, at Sibuguey Bay kung saan madalas mangitlog ang mga isda.

Aabot sa 6,481.80 square nautical miles o 22,260.36 square kilometers ang lawak ng karagatang sakop nito sa Zamboanga del Norte, Lungsod ng Zamboanga, at Zamboanga Sibugay.

Layunin nitong masigurong hindi maubos ang mga sardinas sa dagat upang magtuloy-tuloy ang kabuhayan ng mga lokal na mangingisda sa mga darating na panahon.