-- Advertisements --
Dinagsa at pinuri ng mga dayuhang mamamahayag ang mga inihandang kape at produkto ng Department of Tourism (DOT) sa International Media Center.
Tampok dito ang Coffee Heritage Project na nagpapakita ng mga lokal na kape at cacao mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.
Mahabang pila ang pinila ng mga delegado sa Coffee. Cocoa. Coconut. booth para tikman ang mga butil ng kape at cacao na itinanim at inani ng mga lokal na magsasaka.
Layunin ng aktibidad na ito na ipakita sa mga banyagang bisita ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga produktong agrikultural mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Bukod dito, nais din ng DOT na ipakilala sa buong mundo ang husay ng mga magsasakang Pilipino habang isinusulong ang turismo ng bansa.














