-- Advertisements --

Palalawakin pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang security exclusion zone sa kahabaan ng Roxas Boulevard mula President Quirino Avenue hanggang Buendia Avenue simula bukas, Nobyembre 15, hanggang Nobyembre 18 bilang bahagi ng mahigpit na seguridad sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC) para sa 49th ASEAN Summit.

Ayon kay Atty. Vic Nuñez, Director III ng Traffic Management Group ng MMDA Traffic Discipline Office, dalawang linya sa EDSA mula EDSA-Ayala hanggang Roxas Boulevard ang itinalagang ASEAN Lanes na eksklusibong nakalaan para sa convoy ng mga delegado, kaya pinapayuhan ang mga motorista na asahan ang mga checkpoint sa naturang lugar.

Ngayong weekend, nakatutok ang ahensya sa mga ruta mula sa paliparan patungo sa mga hotel na tutuluyan ng mga delegado.

Samantala, inaasahang magiging maluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila ngayong weekend hanggang Miyerkules dahil maraming residente ang nagtungo sa mga lalawigan upang samantalahin ang long weekend holiday.