Nakuha na ng 5,800 agrarian reform beneficiaries ang ganap na pagmamay-ari ng kanilang mga lupain sa rehiyon ng Caraga.
Ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR), umabot sa 10,777.9566 ektarya ang kabuuang lawak ng mga lupang saklaw ng mga naipamahaging titulo.
Ipinagkaloob ang mga titulo sa ilalim ng DAR’s Support Parzelization of Lands for individual Titling Project.
Nakatala rin sa titulo ang Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) na nakatala rin sa electronic titles (e-titles) upang nang sa gayon ay mabigyan ang mga magsasaka ng klaro, at pangmatagalang pagmamay-ari ng lupa kanikanilang mga lupain.
Kasabay din ng SPLIT rollout, nagkaloob din ang Department of Agrarian Reform ng regular Land Acquisition and Distribution (LAD) titles na may kabuuang lawak na 420.4129 para sa 307 beneficiaries sa mga magsasaka ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, at Surigao del Sur.
Samantala, upang mas mapakinabangan naman ng mga magsasaka ang titulo ng kanilang mga lupa, nagbigay rin ang ahensya ng P2.443 milyong halaga ng makina sa pagsasaka, mga kagamitan at livelihood packages sa anim na ARB organization na kinakatawan ang 542 na mga magsasaka sa ilalim ng Climate-Resilient Farm Productivity Support Project.














