-- Advertisements --


Isa sa mga ipinagmamalaking legasiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatapos ng pamumuno ng Pilipinas bilang tagapangulo ng ASEAN ngayong 2026 ang pagsulong at pag-finalize ng Digital Economy Framework Agreement o DEFA.


Ayon sa Pangulo, hindi ito biglaang napagdesisyunan, kundi bunga ng ilang buwang paghahanda, konsultasyon at pagpupulong kasama ang mga bansang kasapi ng ASEAN simula Enero ngayong taon.


Binigyang-diin din ni Marcos ang pagiging bukas ng mga miyembrong bansa sa pagbuo ng iisang kasunduan na magtatakda ng kani-kanilang papel at ambag sa rehiyon.


Layunin ng naturang kasunduan na palakasin ang pagtutulungan ng ASEAN, kabilang ang pagpapabuti ng pagbabahagi ng enerhiya, paglipat sa renewable energy, paghahanda sa posibleng krisis sa langis, at pagpapatatag ng suplay ng pagkain.


Para kay Marcos, mahalalaga ang pagkakaisa at koordinasyon ng mga bansa upang makabuo ng mga konkretong hakbang para sa pangmatagalang kaunlaran ng rehiyon.