-- Advertisements --

Pumanaw na ang Irish boxer na si Lee “El Champo” Reeves matapos ang ilang buwang pakikipaglaban sa kanyang buhay kasunod ng kaniyang pagkaka-knockout sa isang boxing match noong Agosto 1 sa Dublin, Ireland.

Nakipagbakbakan si Reeves kay Gary Cully para sa BUI Celtic Light-Welterweight title, ngunit natalo sa ika-10 round matapos dalawang beses na mapabagsak.

Agad siyang isinugod sa ospital at sumailalim sa operasyon bago inilagay sa medically induced coma dahil sa malubhang kondisyon.

Nagpaabot ng pakikiramay ang kaniyang coach na si Jonathan O’Brien at huling nakalaban na si Cully, na kapwa nagbigay-pugay sa kaniyang katapangan at pagkatao.

Bukod sa boksing, nakilala rin si Reeves bilang tagapagtaguyod ng mental health awareness at ambassador ng Limerick Treaty Suicide Prevention group.