Nagsimula na ang mga serye ng pagpupulong na dinadaluhan ng iba’t-ibang mga lider, bago pa man ang nakatakdang pagbubukas ng ika-49 na summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ngayong araw, Nov. 14, binuksan na ang ASEAN Ministers Meeting na dinadaluhan ng mga kalihim o minister ng Foreign Affairs. Sinundan ito ng ASEAN Economic Community Council Meeting na pinangunahan ni Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque.
Sa usapin ng investment at pamumuhunan, binuksan na rin ang ASEAN Business and Investment Summit (ABIS) na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Maliban sa mga nabanggit na pagpupulong, ilan pang Ministerial and Council Sessions ang binuksan ngayong Sabado.
Kinabibilangan ito ng 32nd ASEAN Political-Security Community (APSC) Council Meeting at 39th ASEAN Coordinating Council (ACC) Meeting
Ang mga ito ay pawang preparatory meetings para sa pagsisimula ng summit bukas, Nov. 15. Magtatagal ito hanggang Martes, Nov. 17.














