Sinagot na ni Bicol Saro party-list Representative Terry Ridon ang pahayag ng Palasyo na pagbasura ng impeachment article ay maaring makulangan ang publiko dahil sa nailatag na sa Senado ang mga ebidensiya laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ridon na kaniyang nirerespeto ang naging pahayag ni Palace press officer Claire Castro kung saan ang mga ebidensiya sa mga maling gawain ng Bise Presidente ay nailatag na Senado mula pa noong Hulyo.
Ang mga nagdaan at kasalukuyang impeachment articles ay nailatag na sa Senate Impeachment Court at ang desisyon ay nakasalalay sa Korte base na rin sa mga ebidensiya ng iprenisenta.
Una ng sinabi ni Castro na ang pagbasura sa bribery case kay VP Duterte ay parang niloko ang mga Pilipino dahil alam nila ang buong katotohanan.
Una ng inanunsiyo ni Manila Rep. Joel Chue na kanilang ibabasura na ang bribery case laban kay Duterte.
Naipresenta na ng prosecution ang dalawang impeachment articles kung saan ang isa ay ang pagbabanta ni VP Duterte sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, first lady Liza Marcos at dating speaker Martin Romualdez habang ang isa ay ang hindi tamang paggastos nito ng P612.5-M na confidential fund.
















