-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni Senador Ping Lacson ang evidenciary at probative value sa naging presentasyon ni dating Sen. Antonio Trillanes, partikular ang paggamit nito para sa prosecutorial purposes.

Ayon kay Lacson, maayos ang paraan ng presentasyon ngunit hindi malinaw kung saan nagmula ang mga dokumento at kung maaari itong ituring na sapat na ebidensiya.

Idinagdag niya na maaaring umulan ng objection dahil hindi umano competent ang nagprisinta ng mga dokumento, lalo na kung hindi naman ito nagmula sa mismong ahensiyang naglabas ng mga ito.