-- Advertisements --

Pormal nang pinagbigay alam ng bansang Tajikistan sa United Nations ang pagkalas nito bilang miyembro ng Rome Statute, isang kasunduan na nagtatag sa International Criminal Court.

Ito ay matapos ang pag-alis ng anim pang mga bansa sa kasunduan tulad na lamang ng Chad, Venezuela, Nauru, Niger, Burkina Faso, at Mali.

Ayon naman sa United Nations, magiging epektibo ang pagkalas ng Tajikistan sa November 20, 2027. Bilang pagsunod sa Article 127 (1) ng Rome Statute, kung saan kinakailangan na munang maghintay ng isang buong taon bago maging epektibo ang pag-alis matapos ang paghahain ng withdrawal notice.

Base naman sa isang rulling ng ICC judges noong March 2026, lumabag ang Tajikistan sa Rome Statute nang hindi nakipagtulungan ang bansa upang maaresto si Russian President Vladimir Putin nang bumisita ito sa Dushanbe noong nakaraang taon.

Matatandang niratipikahan ng Tajikistan ang Rome Statute noong 2000. Ang Tajikistan lamang ang nag-iisang Central Asian state party na bahagi ng treaty.