-- Advertisements --

Tinutulan ni Senador Robin Padilla ang paglalagay ng milyun-milyong piso halaga ng perang pabuya kontra sa kapwa-mambabatas na si Senador Bato Dela Rosa.

Sa panayam, kanyang hindi sinang-ayunan ang 50-milyon pisong patong sa ulo ng senador kasabay sa lumabas nang ‘arrest warrant’ mula sa International Criminal Court.

Giit niya’y dapat wala nang ganito sapagkat ang dayuhan umano ang nagpapaaresto kay Senador Bato na aniya’y kinakailangan mapag-isipan munang mabuti.

Hinimok niya ang publiko na suriin maigi ang pinagbasehan o ‘logic’ sa paglalaan ng pabuya sapagkat ayon sa kanya, pera ng taumbayan ang gamit laban sa senador na ibinoto din ng mamamayan.

Kaya para sa senador, nanindigan siyang ang mga Pilipino, sa sarili nitong bansa ay di’ dapat tinatrato ng dayuhan ng katulad sa ipinaarestong si Senador Bato Dela Rosa.