-- Advertisements --

Naiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng Overseas Filipino Worker na nasawi habang nagmamaneho nang madamay siya sa drone attack sa oilfield sa Saudi Aramco Shaybah noong October 21.

Sakay ang labi ng Saudia Cargo Flight. Sinalubong naman ng Department of Migrant Workers at ng Overseas Workers Welfare Administration ang pamilya ng biktima. Nagpahatid naman ng pakikiramay ang pamunuan.

Inasikaso na rin ng empployer ng nasawing OFW sa pakikipagtulungan sa Migrant Workers Office sa Al Khobar, Philippine Embassy sa Riyadh, at maging sa mga awtoridad sa Saudi.

Kasama rin sa mga inasikaso ng employer ng nasawing OFW ang kanyang outstanding salary, end-of-service benefits, at ilan pang labor entitlements.

Patuloy ang pag-aasikaso ng DMW at OWWA sa pamilya ng namayapang biktima, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng financial assistance, burial assistance, at educational support sa mga anak ng nasawing OFW victim.