Tiniyak ng gobernador ng Davao del Sur na si Yvonne Roña Cagas na hindi magsisilbing kanlungan o taguan ang kanilang lugar para kay Sen. Bato Dela Rosa.
Ayon kay Department of Justice Secretary Fredderick Vida, ito ang naging pagtitiyak sa kanya ng naturang opisyal nang bumisita sa Mindanao kamakailan.
Alinsunod aniya ito sa panawagan nilang huwag maging ‘haven of fugitives’ o taguan ng mga pugante ang kanilang lugar.
Kaya’t tiniyak daw sa kanya ng gobernador na hindi sila magbibigay ng proteksyon para itago ang pinaghahanap na senador.
Dagdag pa niya’y makaseseguro umano na wala sa Davao Del Sur si Senador Bato Dela Rosa.
Ang naturang mambabatas ay patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad at kasalukuyang may 50 milyon piso patong sa ulo.
Siya’y inisyuhan ng ‘warrant of arrest’ mula International Criminal Court nang pangalanan bilang ‘co-perpetrator’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong ‘crimes against humanity’.














