Nagbitiw sa pagka-bise presidente ng Indonesia ang anak ni dating Indonesian President Joko Widodo na si Gibran Rakabuming Raka nitong Miyerkules, Nobyembre 11.
Kasunod ito ng usapin sa kwalipikasyon ni Gibran sa posisyon kasunod ng pagkapanalo nito sa puwesto noong halalan ng 2024 sa Indonesia.
Bagama’t nakasaad sa patakaran ng halalan na edad 40 ang mga kwalipikadong tumakbo sa posisyon, si Gibran ang pinakabatang bise presidente sa kasaysayan ng kanilang bansa kung saan 36 años ito nang maghain ng sertipikasyon sa kaniyang kandidasiya.
Dagdag pa nito, nagpasiya ang Constitutional Court nito lamang na hindi sapat ang educational background dahil hindi naabot ni Gibran ang itinakdang minimum high-school qualification na kailangan para tumakbo sa naturang posisyon.
Nauna nang isinumite ni Gibran ang kaniyang pagbiitiw sa tungkulin kay President Prabowo Subianto na naging running mate ni Gibran noong 2024 kung saan nanalo ang mga ito isang landslide win matapos umani ng 58.8% ng mga boto.













