-- Advertisements --

Aabot na sa 14 katao ang nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa Bali, Indonesia.

Itinuturing ng mga opisyal doon na ito na ng pinakamatinding pagbaha na kanilang naranasan sa loob ng ilang dekada.

Mula pa noong Martes ay ilang residente ang inilikas dahil sa walang humpay na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ilang mga pangunahing kalsada ang isinara dahil sa naranasang landslides kung saan nasira din ang dalawang tulay.

Nagpaabot ng pakikiramay si President Prabowo Subianto sa mga biktima at tiniyak nito ang tulong mula sa gobyerno.