-- Advertisements --

Tinukoy ni dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr. sa kaniyang affidavit ang mga umano’y pinagkunan ng cash na ipinadadala raw sa ilang personalidad, kabilang si Vice President Sara Duterte.

Kabilang umano sa mga binanggit ni Gracioso sina dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, mag-asawang contractors na sina Sarah at Curlee Discaya, at Marikina Rep. Miro Quimbo.

Ang mga Discaya at si Co ay kabilang sa mga kinasuhan kaugnay ng mga kaso na may kinalaman sa flood control project scandal.

Patuloy namang hinihintay ang pahayag nina Quimbo, Alcantara at mag-asawang Discaya kaugnay sa alegasyon. Itinanggi naman ni Vice President Sara Duterte na kilala niya si Gracioso at nakatanggap siya ng pera mula rito.