-- Advertisements --

Posibleng magkaroon ng final verdict sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte pagsapit ng Disyembre 16, 2026, ayon kay impeachment court spokesperson Reginald Tongol.

Ayon kay Tongol, oto ang target kung gagamitin ng depensa ang buong 30 araw na inilaan para sa kanilang presentasyon ng kaso.

Gayunman, nakadepende pa rin ito sa aktuwal na takbo ng proceedings.

Sinabi ni Tongol na nasa 20 araw nang mas maaga sa dating schedule ang impeachment trial, sa kabila ng ilang kanselasyon at pinaikling hearing.

Kung tuluyang aalisin ng prosecution ang Article III tungkol sa bribery allegations, maaari umanong umabot sa 27 araw ang advance sa schedule.

Matapos ng prosecution ang kanilang kaso, kailangan muna nitong magsumite ng formal offer of evidence na maaaring komentuhan ng depensa bago tuluyang simulan ang presentation ng depensa.

Samantala, sinabi ni Tongol na mas mataas ngayon ang kumpiyansa ng impeachment court na matatapos ang paglilitis bago ang holiday recess ng Senado, na maaaring magbigay-daan sa paglabas ng pinal na desisyon pagsapit ng Disyembre 16.