-- Advertisements --

Sinegundahan ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima ang pahayag ni former Sen. Antonio Trillanes IV na posibleng ang mga Duterte ang nasa likod sa paglutang ng 18-dating sundalo.

Sa pagtatanong ng Bombo Radyo PH sa naturang mambabatas, kanyang sinagot na maaring ang kampo ni Duterte ang nagtulak sa mga akusasyon isiniwalat ng grupo.

‘Plausible basis’ aniya kung ituring ang patungkol rito sapagkat ang mga Duterte umano ang makikinabang sa rebelasyon o alegasyon korapsyon ng nagpakilalang mga dating Marines o sundalo.

Naniniwala si Rep. De Lima na layon lamang sa pagsaspubliko ng nilalaman ng ‘joint-affidavit’ na ilihis ang atensyon ng publiko mula sa mga isyung kinasasangkutan ng ‘Duterte camp’.

Dagdag pa niya’y tila nasabay sa ‘timing’ na panahon ng pagdinig sa ‘impeachment’ ni Vice President Sara Duterte at kaso ni former President Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.

Kung kaya’t maisa pang ulit niyang sinang-ayunan ang sinabi ni former Sen. Trillanes na ang mga Duterte ang responsable sa paglabas ng 18-dating sundalo.

Dahil rito’y binigyang diin ni Rep. Leila de Lima na dapat managot ang mga nagpapakalat ng paninira laban sa kanya tulad ng nakatanggap umano ng ‘paper bag’.

Aniya’y ginawa at naranasan niya na ito noon, ngunit ngayo’y hindi na raw niya hahayaan at pahihintulutan.