Binigyang-diin ni Cardinal Pablo Virgilio David ang kahalagahan ng accountability sa mga lider, kabilang ang mga makapangyarihang opisyal, kasunod ng mga pahayag ni US President Donald Trump laban sa International Criminal Court o ICC.
Ayon kay David, nakababahala ang naging pag-atake ni Trump sa ICC sa kanyang talumpati sa United Nations, kung saan tinawag niya itong anti-American tribunal at hinimok ang mga bansang kasapi na umalis sa institusyon.
Ipinaliwanag ng Cardinal na ang ICC ay isang independent international court na itinatag sa ilalim ng Rome Statute upang litisin ang mga kasong genocide, crimes against humanity, war crimes at crime of aggression.
Binanggit din ni David ang kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa ICC, kung saan nahaharap Ito sa crimes against humanity charges kaugnay ng kanyang war on drugs.
Aniya, may karapatan si duterte sa presumption of innocence at fair trial.
Gayunman, sinabi ni David na dapat ding pairalin ang prinsipyo ng accountability sa mga lider ng lahat ng bansa, kabilang ang mga namumuno sa pinakamakapangyarihang estado.















