Pinuri ni Senate President Win Gatchalian ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa political will ng liderato nito para panagutin ang mga opisyal na sangkot sa nabunyag na anomalyang bumabalot sa flood control projects.
Ginawa ni Gatchalian ang pahayag sa pagtalaya ng 2027 budget ng ahenisya kung saan sa kabila ng pagkakasangkot aniya ng DPWH personnel at officials sa mga anomalya, naglakas-loob ang ahensiya na sampahan ng kaso ang lahat ng natukoy na sangkot, salig sa resulta ng kanilang imbestigasyon.
Ang naturang hakbang ay mahalaga aniya upang maibalik ang tiwala ng publiko sa ahensiya na isa sa nakakakuha ng pinakamalalaking pondo taon-taon.
Ayon sa Senate leader, ang pagpupursige ng ahensiya na imbestigahan ang sarili nitong mga opisyal, at maging ang mga matataas na opisyal ng bansa ay nagpapakita sa repormang nais nilang magawa.
Kasabay nito ay nagpasalamat din ang senador kay DPWH Sec. Vince Dizon sa pangunguna nito sa pagsusulong ng pananagutan at mabuting pamamahala sa naturang ahensiya.
Binigyang-diin ng Senate leader ang kahalagahan ng pagpapabilis ng implementasyon ng mga infrastructure project upang makatulong sa paglago ng ekonomiya nang hindi isinasakripisyo ang integrity at accountability sa mga proyekto.
Payo nito sa DPWH chief, ipagpatuloy ang mga reporma ng upang maiwasan ang pag-uulit ng mga iregularidad sa mga proyekto.















