Ipinapawalang bisa ng isang abogado sa Korte Suprema ang naging ruling ng Senate Impeachment Court ukol sa isyu ng ‘voting threshold’.
Sa petisyon inihain ni Atty. Ernesto Francisco Jr, kanyang hiniling sa Kataas-taasang Hukuman na maideklarang ‘null and void’ ang naganap na pagdinig ng senado kamakailan.
Noong ika-23 ng Setyembre 2026 kasi ay napagbotohan ng Senate Impeachment Court na baguhin ang ‘voting threshold’ sa pag-aqcuit o pag-convict ng respondent na si Vice President Sara Duterte.
Kahapon, sa ‘petition for certiorari and prohibition’ na inihain ng abogado, kalakip din nito ang kahilingan mag-isyu ang korte ng ‘status quo ante order’.
Ayon kay Atty. Francisco, ito’y upang atasan ang mga partido na bumalik o panatilihin ang sitwasyon bago mangyari ang kontrobersyal na pagbabago sa voting threshold.
Hindi aniya hiniling ang pag-iisyu ng Temporary Restraining Order o TRO sapagkat iginagalang ang pagiging co-equal branch’ ng Hudikatura at Lehislatura.
Umaasa ang naturang abogado na aaksyunan ng Korte Suprema ang kanyang petisyon patungkol sa isyu ng ‘voting threshold’.
Dapat na aniyang panghimasukan ng hukuman ang kontrebersiya at bigyan kaliwanagan ang nakasaad sa probisyon ng Saligang Batas.
Hindi raw kasi tama na gagamitin ang Senate Impeachment ruling ng Voting Threshold sa oras na pagdedesisyunan na ang ‘conviction’ o ‘aqcuital’ ng bise presidente.
Naniniwala si Atty. Francisco na tanging Korte Suprema lamang ang may karapatan magbigay ng interpretasyon patungkol sa mga probisyon sa batas.
















