-- Advertisements --

Muling nanawagan si Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima kay Vice President Sara Duterte na personal na humarap sa impeachment trial sa Senado at sagutin ang mga alegasyong ibinabato laban sa kanya.

Ito ay kasunod ng pagpapalabas ng panig ng depensa ng mga video nina dating Senador Miriam Defensor Santiago, dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona, at dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang bahagi ng kanilang presentasyon ng ebidensya sa paglilitis ngayong Huwebes, Nobyembre 19.

Pinuna ni De Lima ang paggamit ng mga video testimonya ng mga dating opisyal na hindi na maaaring personal na humarap sa impeachment court, sa halip na magharap ng mga buhay na testigo na maaaring direktang tanungin ng mga senator-judges.

Para kay De Lima, dapat mismong si Duterte ang humarap sa paglilitis upang sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya, sa halip na umasa lamang sa mga presentasyong inihahain ng kanyang legal team.

Patuloy naman ang pagdinig ng Senado sa impeachment case laban sa bise presidente.