Mananatili pa ring nakadetene si dating Pang. Rodrigo Duterte sa Dentention Centre ng International Criminal Court (ICC), kahit pa maraming mga bansa ang aaklas sa naturang tribunal.
Ayon kay ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti, kahit may mga bansang umaklas sa ICC, hindi ito awtomatikong nangangahulugan na mapapauwi na ang dating pangulo ng Pilipinas.
Hindi rin ito magdudulot aniya ng otomatikong pagkakadismiss ng kaso laban kay Duterte.
Maalalang ipinapanawagan ni US Pre. Donald Trump sa mga bansang kasapi ng ICC na umaklas na rito.
Ayon kay Atty. Conti, maraming posibleng paraan para magpatuloy ang operasyon ng korte, kabilang ang suporta ng host country na Netherlands atbpang mayayamang bansa na handang lumaban para sa pag-iral ng hustisiya at pananagutan.
Habang nananatili ang suporta ng host country at ng Dutch government aniya, magpapatuloy pa rin ang kapangyarihan, operasyon, at papel ng naturang korte
Maliban dito, maaari rin aniyang ilipat ang physical operations ng tribunal sa ibang lugar, kung sakali mang hindi na ito susuportahan ng host country.
Sa kasalukuyan, kampante si Atty. Conti na walang direktang epekto sa proceedings ng kaso ang sanctions ni US Pres. Trump.
















