-- Advertisements --
Nanindigan ang Department of Foreign Affairs na nananatiling committed ang pilipinas sa dialogue at constructive engagement sa China, ayon kay DFA Assistant Secretary Marshall Louis Alferez.
Sa kanyang pahayag sa pagdiriwang ng ika-77 Anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Republic of China, sinabi ni Alferez na “Time-tested” ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at maaari itong magsilbing matibay na sandigan sa pagharap sa mga hamon.
Gayunman, binigyang-diin ni Alferez na mananatiling matatag ang Pilipinas sa mga posisyon nito sa mga usaping may kinalaman sa pambansang interes.
Dagdag pa niya, maaaring ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan at dayalogo sa China habang pinangangalagaan ng Pilipinas ang sarili nitong mga interes at paninindigan.
















