-- Advertisements --

Nakaalis na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaninang alas-10:22 ng umaga para sa isangworking visit sa Amerika.

Mananatili si Pangulong Marcos sa New York hanggang sa Miyerkules, March 11,2026.

Kasama ng Punong Ehekutibo sa kaniyang biyahe si First Lady Liza Marcos at ilang mga gabinete.

Una ng inihayag ni Department of Foreign Affairs spokesperson Angelica Escalona na kabilang sa mga aktibidad ng Pangulo at ang high-level engagements sa United Nations kung saan mananawagan ito ng restraint sa mga parties involved sa labanan sa Middle east na bumalik sa negotiating table.

Mananawagan din ito na respetuhin ang international law at ang UN Charter kasunod ng nagpapatuloy na labanan.

Makikilahok ang Pangulo sa opening ng 70th session ng UN Commission on the Status of Women.

Nakatakda ring makipagpulong ang Pangulo kay UN Secretary- General Antonio Guterres upang talakayin ang labanan sa Middle East.