-- Advertisements --

Wala sa itinerary o iskedyul ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang biyahe sa Amerika ang pakikipagpulong kay US President Donald Trump.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Assistant Secretary Angelica Escalona, na tanging si United Nations Secretary General Antonio Guterrez lamang ang makakapulong ni PBBM.

Pag-uusapan aniya ng dalawa ang nangyayaring giyera sa Middle East.

Tumanggi naman si Escalona na kumpirmahin kung magkakaroon din ng pagkakataon si Pangulong Marcos na ilatag ang mga isyu na may kaugnayan sa West Philippine Sea at iba pang regional security issues. 

Patungkol naman sa mga isyung tatalakayin nina Pangulong Marcos at Antonio Guterrez, sinabi ng opisyal na hindi niya maaaring pangunahan ang mga sasabihin ng Pangulo, ngunit inaasahang pag-uusapan ang mga international at regional developments, kabilang ang mga isyung may direktang epekto sa mga Pilipino.

kabilang  din aniya sa inaasahang tatalakayin ng pangulo ay ang pagsusulong  sa  rule of law kabilang ang UN charter,  humanitarian action, pagtataguyod sa karapatang pantao at proteksyon ng mahihirap na grupo sa panahon ng giyera, sustainable development at climate resilience.

Wala rin aniya sa itenerary ng Pangulo ang pakikipagkita sa Filipino community sa New York.