-- Advertisements --

Posibleng maharap sa kasong kriminal ang 18-nagpakilalang mga dating sundalo kasunod ng mga alegasyon korapsyon laban sa ilang mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Justice, bukas ang kagawaran para sa sinuman maghahain ng reklamo kontra sa naturang grupo.

Ibinahagi ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, maaring magsampa ng reklamo ang mga pinaratangan personalidad kung tingin nila’y siniraan sila ng mga ito.

“Well nothing prevents any public official from filing a case against anyone who they alleged to have slandered them or have spoken ill about them,” ani DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez.

Subalit giit ng tagapagsalita na hindi nangangahulugang diretso na kaagad na maiaakyat ito bilang kaso sa korte.

Mayroon pa aniya kasing proseso sa paghahain ng reklamo sa prosekusyon bago tuluyang makasuhan ang 18-nagpakilalang mga dating tauhan ni former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.