Iginiit ng Malacañang na dapat manaig ang proseso at rule of law kaugnay ng paghahain ng ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nananatili ang posisyon ng Pangulo na dapat igalang ang mga umiiral na proseso sa Kongreso at hayaang gumulong ang mga mekanismong itinakda ng batas.
Dagdag pa ni Castro, mananagot ang dapat managot.
Ang pahayag ni Castro ay tugon sa isinampang ikatlong impeachment complaint ngayong araw laban sa Vice President ng isang religious group na inendorso ni ML Partylist Rep. Leila De Lima.
Una ng sinabi ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kaniya ng ipinauubaya sa Kamara ang proseso sa paghawak sa impeachment case laban kay VP Sara.
Kumpiyansa ang Pangulo sa kakayahan ng House of Representatives sa pag handle sa impeachment complaint.










