-- Advertisements --

Patay ang pitong katao matapos ang malawakang airstrike ng Russia sa Dnipro City sa Ukraine.

Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky nangyari ang pag-aatake ng magdamag.

Patuloy ang paghahanap ng mga rescuers sa mga maaaring survivors na natabunan mula sa mga gumuhong gusali.

Tumulong naman ang mga fighter jets ng United Kingdom mula sa Romania matapos mamataan ang mga Russian drones malapit sa kanilang border.

Dagdag pa ng Ukrainian President na hindi nagbabago pa rin ang Russia sa kanilang pag-atake kung saan maraming mga sibilyan na ang nadamay.

Tiniyak naman nito na sila ay gaganti sa ginawa ng Russia.