Tinanggihan ni Russian President Vladimir Putin ang panawagang itigil ang long-range strikes sa Ukraine habang lalo pang pinatitindi ng Moscow ang mga pambobomba sa Kyiv.
Ang pahayag na ito ay kasunod ng panukala ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na ihinto ng magkabilang panig ang pag-atake sa kani-kanilang mga pasilidad ng enerhiya at langis.
Binalaan din ni Putin ang Kanluran na gagamit ang Russia ng nuclear na sandata kung atakehin o haharangin ng NATO ang kanilang exclave na Kaliningrad.
Idiniin niya na ang patuloy na pagpapalala ng hidwaan ay maaaring humantong sa isang delikadong sitwasyon na wala nang balikan.
Bagama’t bukas umano sa negosasyon upang matapos ang giyera, nais ng Rusya na maging isang neutral na bansa ang Ukraine pagkatapos ng sigalot.
















