-- Advertisements --

Kinontra ni Sen. Kiko Pangilinan ang naunang pahayag ni Senate Impeachment Court Spokesperson, Atty. Reginald Tongol na posibleng paglalabas ng verdict bago mag-Disyembre 16.

Tinukoy ni Pangilinan ang sinabi ng court spokesperson na posibleng hindi na tatawid sa 2027 ang trial dahil posibleng magkakaroon na ng final verdict sa December 16.

Ayon sa senador, hindi pa napag-uusapan at napagdedesisyunan ng Impeachment Court ang timetable o timeline ng umuusad na trial, lalo na ang posibleng verdict date na December 16.

Ang naturang date, ayon sa senador, ay isa lamang umanong opinion ng tagapagsalita.

Bilang senator-judge aniya, hindi niya sinusuportahan ang opinion ni Atty. Tongol.

Ayon pa kay Pangilinan, walang otoridad ang abogado na maglabas ng kaniyang personal opinion sa ngalan ng Impeachment Court.

Inaasahang pagsapit ng Oktobre-16 ay pansamantala munang ititigil ang trial upang bigyang-daan ang pagtalakay ng Senado sa 2027 National Budget. Magbabalik muli ang mga serye ng paglilitis sa kalagitnaan ng Nobiyembre.