-- Advertisements --

Aabot sa pitong katao ang nasawi sa pinaigting ng drone at rocket attacks ng Russia sa Ukraine.

Kabilang sa tinamaan ng drone ay ang National Academy of Sciences na matatagpuan sa central Kyiv sa Ukraine.

Ang nasabing pag-atake ay matapos ang pagtungo ni Ukraine President Volodymyr Zelensky sa United Nations General Assembly kung saan handa itong magkaroon ng trilateral meeting kay Russian President Vladimir Putin at kay US President Donald Trump.

Umaasa kasi si Zelensky na matapos ang mahigit apat na taon na giyera nila ng Russia.