-- Advertisements --

Naglabas ng pahayag ang opisina ni Senato Jinggoy Estrada patungkol sa pag-turn over ng walang kagamitan na opisina sa opisina ni Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III bilang bahagi ng isang “standard practice”

Sinabi ng kampo ni Estrada na ipinaalam ng kanilang chief of staff kay Sotto, bago pa ang deadline sa Oktubre 5, 2026 para lisanin ang opisina, na ang mga fixtures, furnishings, at materials nito ay dadalhin sa bagong opisina ni Estrada.

Ayon pa statement na karamihan sa mga kagamitang ito, tulad ng floor tiles, glass panels, lighting fixtures, cabinets, at iba pa, ay binili gamit ang personal na pondo, dahil hindi sapat ang budget na ibinigay ng Senado upang matugunan ang lahat ng nagastos.

“It bears noting that standard practice in the Senate is for the senator occupying an office to renovate the space based on the budget provided, with any expense beyond that shouldered entirely by the occupant. Let it be stressed, in no uncertain terms, that not a single centavo of public funds was wasted,” Ayon pa sa kampo ni Estrada.