Hindi naghain ng guilt plea si Senator Jinggy Estrada sa Sandiganbayan 5th Division ngayong araw ng Huwebes, September 3, para sa kinakaharap nitong kasong 573 million pesos plunder at graft na may kaugnayan sa ghost flood control project. Dahil dito ang korte na ang nagkusang maghain ng “not guilty” plea sa dalawang kaso ng senador.
Sampung araw naman ang ibibigay sa kampo ng Estrada upang maghain ng kanilang paliwanag sa kung bakit marapat lang na hindi siya suspendihin sa kanyang pwesto bilang senador.
Limang araw naman ang ibinigay sa prosecution upang magkomento.
Sa kabilang banda naman, matapos na tanggalin si former Department Works and Highways Secretary Manuel Bonoan na kapwa akusado ni Senator Jinggoy Estrada, humiling din ang legal counsel ni Bonoan na mag-release na ang korte ng kautusan sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG na pakawalan na si Bonoan, na nananatili ngayon sa Philippine National Police General Hospital.










