-- Advertisements --

Planong ituloy ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasapribado sa operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa pamamagitan ng isang concession agreement.

Ayon kay DOTr Secretary Giovanni Lopez, inaasahang sisimulan ang bidding para sa P103.6-bilyong concession ng MRT-3 sa kalagitnaan ng taong 2027.

Layunin ng kagawaran na mapabuti ang serbisyo ng linya ng tren, madagdagan ang bilang ng mga tren na magagamit sa operasyon, at mabawasan ang matagal na paghihintay ng mga pasahero sa bawat istasyon.

Pinal na rin umano ang desisyon ng pamahalaan na isailalim sa hiwalay na concession agreement ang MRT-3, sa halip na isama ito sa operasyon ng iba pang linya ng tren sa bansa.

Tinatayang nasa 388,000 pasahero ang sinasakay ng MRT-3 araw-araw. Binubuo ito ng 13 istasyon na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA.