-- Advertisements --
Mas makatutulong umano sa mga tsuper ang pagtanggal ng excise at value-added tax sa produktong petrolyo kaysa sa P1 dagdag-pasahe, ayon sa transport group PISTON.
Ito ang sinabi ni PISTON President Mody Floranda kasabay ng pagsisimula ng kanilang dalawang araw na nationwide strike nitong Martes.
Ayon kay Floranda, hindi sapat ang dagdag-pasahe para matugunan ang araw-araw na gastusin ng mga tsuper, lalo na’t umaabot umano sa P1,000 ang kanilang nawawalang kita dahil sa mataas na presyo ng langis.
Iginiit ni Floranda na paulit-ulit nilang hinihiling ang pagbaba ng presyo ng petrolyo, kabilang ang pagtanggal ng VAT at excise tax sa langis at iba pang pangunahing bilihin.
















