-- Advertisements --

Bahagyang humina ang bagyong Rosal habang binabagtas nito ang pahilaga hilagang-kanluran ng dagat sa silangang bahagi ng bansang Taiwan.

Ayonsa huling tala ng PAGASA ngayong biyernes, huling namataan ang bagyo sa layong 305 km hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyong Rosal ang ang lakas ng hanging umaabot sa 150 km/h at bugsong hanggang 185 km/h. Kumikilos naman ito pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Samantala, nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signals no. 2 (TCWS) sa Batanes, Northeastern portion of Babuyan Islands.

Habang nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signals no. 1 sa natitirang bahagi ng Babuyan Islands, Mainland Cagayan, Ilocos Norte at Apayao.